LRT Train umaandar ng nakabukas ang pinto


Isang estudyanteng pasahero ng LRT ang kumuha ng video habang ito ay umaandar ng nakabukas ang pintuan.

ayon sa kwento ng pasahero na si James Cubelo nang umalis umano sila galing ng Central Station ay hindi na sumara ang pintuan ng tren at ito ay nasaksihan pa ng isang guwardya, ngunit sa halip na pahintuin ang tren dahil sa piligrong dulot nito sa mga pasahero ay sinambit nalang nitong kumapit ng maigi ang mga pasahero.



kwento pa ni James, na masikip daw ang tren nang sila ay sumakay, ngunit ng umaandar na ito nang nakabukas ang pintuan ay agad naman lumawag dahil nagsisikan na sa bandang gitna ang ilang pasahero sa takot na mahulog, naisipan daw niyang i-video ang pangyayari upang pakalmahin ang mga natatakot ng pasahero at pinilit na lamang pagkatuwaan ang pangyayari at ikinumpara nalaman ito sa isang ride sa Star City.

ang nakakabahala lamang ay, alam na ng mga taga LRT na umaandar na bukas ang pintuan ang tren ay tumuloy pa ito hangang sa susunod na station ng Pedro Gil.

trivia: si James ay isang graduating student, at sang ayon sa pamahiin ang mga graduating ay lapitin ng disgrasya, kung kayat doble ang takot na nadama nila.

LRTA's answer

Ayon sa LRTA, wala na raw silang pananagutan sa pangyayari ngunit mananatiling guarantor dahil ang LRMC na ang nangangasiwa sa LRT at maintainance nito mula pa noong September 2015. mag iimbestiga raw sila tungkol dito.



PART 1 Central to UN


PART 2 UN to Pedro Gil


Share on Google Plus

About Featured.ph

Deliviring the latest update in every aspect of life.

0 comments :

Post a Comment

Powered by Blogger.